Lawa ng Luha ni Heinz Villasana

Nasa Madawag na kagubatan sina Luisito at Antonio uoang magsanay para sa nalalapit na paligsahan para sa tatanghaling bagong kasapi ng Knights of the round table. Ang knights of the round table ay isang samahan ng may mga di pang karaniwang mga kabalyero na magtatanggol para sa kaharian ng Mansagnia. Ginaganap ito tuwing ika apat na taon at bibihira lamang ang nakakapasok kung kayat nagsasanay ang mga kalahok sa matinding pagsasanay. kapwa nagsasanay ang matalik na magkaibigan dahil matagal na nilang pinapangarap ang pagsali sa paligsahan. Ipinanganak na simple lamang si Luisito samantalang may kaya naman ang pamilya na kinalakhan ni Antonio, ngunit sa kabila ng pagkakaiba nila ay nahing matalik silang magkaibigan.
Isang gabi, sa isang madilim at masukal nabgubat habang nagpapahangin si Antonio ay may natanaw syang isang malawak na lawa at pinapaligiran ito ng libo libong mga alitaptap at nasisinagan din ito ng buwan na syang lalong nagbigay kagandahan sa lawa na tinatawag na Lawa ng Luha. Lumapit sya ng marahan upang masilayan ng bahagya ang lawa ngunit nagulat sya sa kanyang nakita. Isang dalagang naaaninagan nya na naliligo sa lawa. Pinagmasdan nya ang kagandahan ng dalaga hanggang sa matapos itong magbabad sa lawa.Agad namang napahanga si Antonio sa taglay na kagandahan ng dalaga kung kayat minahal nya ito kaagad at ipinangako sa sarili na papakasalan nya ang dalaga.
Dumating na ang araw ng paligsahan.Handang handa na sina Luisito at Antonio. Maraming makukulay na banderitas ang nakasabit sa pagdarausan ng paligsahan "sa oras na mapili tayo bilang mga bagong kabalyero palagi na nating masasaksihan ang ganda nitong Mansagnia" ani ni Luisito habang nililibot ng kanyang mga mata ang ganda ng buong paligid. Samantalang wala naman sa sarili si Antonio na tila ba may hinahanap. "Ayos ka lang ba?" pansin naman ni Luisito sa kanya. "Nakita ko muli sya" nangingiting sagot nya. "Ang babaeng aking iniibig" dagdag pa nito ."Mukang gustong gusto mo talaga siya" pamumutol no Luisito at tila ba nang aasar. "Ngunit pakaingatan mo ang iyong puso at wag kang magpapadalos dalos , madaling magmahal ngunit mahirap masaktan" pangangaral pa nito. "Ako si Haring Heinz ay nagpapaabot ng pasasalamat sa mga kalahok sa taong ito. Naway mapagtagumpayan ninyo ang mga pagsubok upang makabilang kayo sa mga magigiting na manananggol ng ating kaharian" panimulang bati ng Hari. "Galingan natin Antonio!" ani ni Luisito. Nagsimula na ang paligsahan sa pagitan ng mga kalahok para subukin ang mga kakayahan ng mga kalahok. Halos kalahati na ang sumuko ngunit hindi pa din nagpapatinag sina Antonio at Luisito. Sa huli ay kapwa nakapasok ang dalawa sa mga tinanghal na bagong mga kasapi ng Knights of the round table dahil sa mga ipinakita nilang kahusayan sa mga taktika at lakas. Nagpasya na si Haring Heinz na doon na manirahan ang mga nanalo sa paligsahan. Laking gulat ni Antonio ng mapagalaman nyang anak pala ng Hari ang dalagang natanaw nya sa lawa. Kayat lalong ninais ni Antonio na manatili sa palasyo. Araw araw ay pinadadalhan ni Antonio ng pulang rosas ng palihim ang dalaga sa kanyang silid. Lagi nyang tinatanaw ang dalaga at inaabangan upang makausap ito ngunit bigo ito sapagkat sadyang mailap ang Prinsesa. Samantala abala naman si Luisito sa pagsasanay upang lalo pang magpakahusay."Ginoo, magpahinga ka naman muna." Utos ng Prinsesa habang inilalapag ang mga dala nyang pagkain. Sinubukan namang tumanggi ni Luisito ngunit sadyang mapilit ang Prinsesa kung kayat wala rin siyang nagawa kundi ang sumunod sa utos ng Prinsesa. Lumipas ang mga Araw at mas lalong napapalapit si Luisito at si Prinsesa Aya sa isat isa. Tinuturuan ni Luisito ang Prinsesa sa paghawak ng palaso at binabasahan naman ng prinsesa si Luisito ng mga paborito nyang libro. Kinaumagahan, sabay na nagensayo sina Antonio at Luisito. At hindi inaasahanh may ligaw na usang dumaan at akma namang papanain ito ni Antonio ngunit bigla namang naunahan ni Luisito. Sa sobrang inis ni Antonio ay nabulyawan nya si Luisito at tila ba may laman ang kanyang mga salita. Bakas naman sa mukha ni Luisito ang pagkagulat dahil sa inasal nito.
Masugid na inantay ni Antonio ang paglabas ng Prinsesa sa kanyang silid at hindi naman sya nabigo at kaagad nya itong nilapitan. Sinabi ni Antonio ang lahat ng nararamdaman nya para kay Prinsesa Aya. Ngunit iba ang gusto ng Prinsesa at yun ay si Luisito. kung kayat hindi nito tinaggap ang pag ibig ni Antonio. Napuno ng poot at muhi sa puso ni Antonio sapagkat kung sino pa ang kanyang itinuturing na kaibigan sya pa ang nanakit at bibihag sa puso ng prinsesa . Samantalang kasiyahan naman ang nararamdaman ni Luisito sa mga oras na kapiling nya ang prinsesa. Umisip ng paraan si Antonio upang paghiwalayin ang dalawa.
Isang araw nakarating kay Luisito ang masamang balita. wala na ang kanyang ama kung kayat napilitan syang lisanin ang kaharian ng Mansagnia ng hindi man lang nakapag paalam. Matapos asikasuhin ni Luisito ang libing ng kanyang ama ay bumalik siya ng palasyo para ipagpatuloy muli ang kanyang gawain sa palasyo. Kahit na mabigat sa kalooban nya ay ipinagpatuloy pa rin nya ang pageensayo sa palasyo. Ngunit ang hindi alam ni Luisito ay may ginawa ng hakbang para mapaalis sya. Ipinakalat ni Antonio na nagnakaw si Luisito ng mga mamahaling ginto sa palasyo kung kayat umalis ito ng walang paalam. Pinalayas sa palasyo si Luisito at ngayoy isa na lamang syang estranghero na pagala gala sa Mansagnia. Subalit gumagawa pa din sya ng paraan para makausap at magkita sila ng palihim ng prinsesa kahit na itoy mahigpit na ipinagbabawal.
Nagpasyang magkitang muli ang dalawang magkasintahan sa may tabi ng lawa ng luha, at sa araw ding iyon ay pakakasalan na ni Luisito ang Prinsesa. Nang panahong din yun ay nag aabang lamang sa paligid si Antonio at balak nitong patayin si Luisito. Masayang iniintay ni Luisito si prinsesa Aya, ngunit nakaabang na si Antonio para patayin siya. Itinutok na ni Antonio kanyang palasong may lason.
Dumating na ang prinsesa at agad nilang sinalubong ang isat isa ng mahigpit na yakap. Na sya namang lalong ikinamuhi ni Antonio. Sa sobrang galit ay agad nyang inasinta si Luisito at tumama ito sa kanyang dibdib. Agad na tumakas at nagpakalayo layo si Antonio sa lawa. habang naiwang umiiyak ang prinsesa. Napuno ng dugo ni Luisito ang mga dala nitong putimg rosas at agad binawian ng buhay. Ilang Linggo na ang nakalipas at hindi pa rin napapawid sa pagluksa ang prinsesa. Bumalik sa lawa ng luhasi Prinsesa Aya dahil sa sobrang kalungkutan ay kinitil nito ang sariling buhay sa pamamagitan ng pagtalon sa lawa. Ilang araw ang nakalipas at nakitang palutang lutang ang bangkay ng Prinsesa. Nang mabalitaan ito ni Antonio ang nagyari ay tila nawala ito sa katinuan at kinitil ang sariling buhay sa pamamagitan ng pag inom sa kopa na may lason na ang dapat sana ay para sa Hari ng Mansagnia.
Inilibing ang prinsesa sa tabi ng himlayan ng kanyang pinakamamahal na si Luisito sa lawa ng luha at simula noon ay naging pribado na ang lawa upang hindi masira o marumihan at para na rin sa pagpapanatili ng dalawang namayapang nagmamahalan




Tula:



Sa bawat paglubog at pagsikat ng araw sa bawat pag usbong ng buwan at mga bituin sa bawat pagsibol ng mga bulaklak s hardin sa bawat pagpatak at pagtila ng ulan sa bawat pag agos ng tubig sa ilog at sa bawat paglipas ng oras ay nagpapahiwatig lamang sa patuloy na pag usad ng panahon at tanda lamang na ang pag ibig ko sayo ay mananahan mag pakailanman.















Mga Komento